Hindi maitago ng mga netizen ang pagkadismaya matapos ipakita ni Senador Richard Gordon ang ginawa ng isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Region 4-A.
Ipinakita ni Gordon, na chairman din ng Senate Blue Ribbon Committee ang video kung saan makikita si PhilHealth Regional Vice President (Region IV-B) Paolo Johann Perez na nagdiwang ng kanyang kaarawan sa loob mismo ng kanyang opisina sa gitna pa mismo ng office hours.
Isa si Perez sa mga tinagurang miyembro ng ‘mafia’ sa Philhealth.
Makikita na nanggaling sa loob ng malaking gift box ang babae at pagkalabas nito ay nag umpisa na itong sumayaw sa harap ni Perez na tila tuwang tuwa sa kanyang nasaksihan.
Sinabi na hindi pinigilan ni Perez ang ginagawa ng babae, kahit na labag ito sa ethics ng mga opisyal ng gobyerno.
“On his birthday, Perez received a gift, an enormous box, in his office. A girl, dressed in nothing but her underwear, danced and gyrated provocatively in front of Perez,” ayon sa committee report.
“Perez enjoyed the performance and was seen smiling in the video. He did not prevent the incident, or report and issue any reprimand to the employees who brought the girl,”
Gordon shows a video of PhilHealth Region 4-A VP Paolo Johann Perez who allegedly received a “girl dressed in nothing” for his bday party during office hours.
Perez told senators his staff hired an artist, but he asked everyone to eat instead of watching the girl’s performance. pic.twitter.com/4ME8psnnMh
— Kat Domingo (@_katrinadomingo) August 25, 2020
Ipinaliwanag naman ni Perez na ang nangyari ay isang surprise party lamang at hindi naman nagtanggal ng saplot ang babae.
Tinawag niya ang babae na sumayaw sa kanyang harapan na isang performer.
Hindi pa nagbibigay ng komento ang palasyo sa video na inilabas ni Gordon.
Matatandaan na nag umpisa ang imbestigasyon sa Philhealth matapos sabihin ng dati nilang anti-fraud officer na si Thorrsson Montes Keith na may mga nagbulsa ng P15-B na pondo ng nasabing ahensya.
Nangako naman si Pangulong Duterte na hindi niya hahayaan na hindi mananagot ang mga taong nasa likod ng korapsyon sa Philhealth,
“Huwag kayong magkakamali, itong PhilHealth. Sabi ko, yayariin ko kayo. Maniwala kayo. Yung mga inosente naman wala kayong dapat i-ano, tahimik lang kayo at continue working,” ani Duterte.