Quezon City Mayor Joy Belmonte announced that she was infected by COVID-19.
In an announcement on Wednesday, Belmonte said she’s thankful that they discovered her condition as soon as possible.
She assured the netizens that she’s not experiencing symptoms.
Belmonte also ordered to disinfect the City Hall to ensure the safety of the government workers and people who visited the said building.
According to her, she was infected despite following social distancing, wearing masks, and maintaining good hygiene.
Read her whole announcement below:
Nais ko pong ipahayag sa lahat ng aking minamahal na QCitizens na ako po ay nag-positibo sa aking huling COVID-19 test. Nagpapasalamat po ako na agad itong natuklasan. Sa ngayon, maayos po ang aking kalagayan at wala po akong nararamdamang anumang sintomas. Mahigpit ko pong sinusundan lahat ng quarantine protocols ng ating Department of Health at sinimulan na din po ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) ang contact tracing procedures.
Bukod dito, isinara din pansamantala ang aking tanggapan para ma-disinfect ito kasama ang common areas ng City Hall.
Dahil sa pagdalaw sa ating mga health center at ospital, special concern lockdown areas at mga komunidad upang alamin ang kanilang mga pangangailangan, sa simula pa lang, batid na naming posibleng mangyari ito. Pero hindi ko po ito pinagsisisihan. Inihanda ko na po ang aking sarili at buong puso ko po itong tinatanggap.
Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng facemask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing. Kaya sana ay magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan.
Makasisiguro po kayo na patuloy ang serbisyo at gawain ng inyong lokal na pamahalaan sa kabila ng aking pag-quarantine. Bagama’t limitado ang aking pagkilos, mananatili po akong nakatutok sa kalagayan at pangangailangan ng buong Quezon City.
Maraming salamat po, at asahan ninyong sa aking paggaling, muli po ninyo akong makakasama upang personal po akong makapaglingkod sa inyo.
Belmonte is not the only public official who got infected by COVID-19 in the country.
Even Senators like Migz Zubiri and Sonny Angara didn’t escape the virus.