Ronaldo Valdez, posibleng tinapos ang sariling buhay – QCPD

Iniimbistigahan ngayon ng mga otoridad ang posibilidad na tinapos ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez ang kanyang buhay.

Ayon sa ulat ng Daily Tribune, inaalam ng QCPD kung posible nga bang may kinalaman sa matinding kalungkutan na pinagdaraanan ni Valdez ang kanyang pagpanaw lalo na’t mayroon itong malalang karamdaman.

Advertisement

Ayon sa lider ng QCPD Forensic Unit na si P/Cpt. Adhrin Domingo ay nakita nila ang posibleng ginamit ni Valdez para tapusin ang kanyang sariling buhay.

Makikita rin na sa mayroon itong tama sa ulo na posibleng naging dahilan ng kanyang agad na pagpanaw.

Nakita umano ng driver ni Valdez na si Angelito Oclarit ang kanyang amo na wala ng buhay habang ito ay nakaupo.

Inaantay na lamang ng mga otoridad ang magiging resulta ng mga pasusuri bago nila opisyal na ianunsyo ang dahilan ng kanyang pagpanaw.

“May inintay pa result ng lab exam from SOCO before we can conclude,” ayon kay QCPD Director P/Brig. Gen. Red Maranan

Matatandaan na nakilala si Valdez dahil sa kanyang pagiging isang magaling na aktor at ang kanyang halos anim na dekadang pamamalagi sa showbiz ay tumatak na sa isipan ng publiko.

Advertisement

Siya rin ang ama ni Janno Gibbs at Melissa Gibbs na pawang mga naging parte rin ng showbiz.

 

Advertisement

 

Facebook Comments Box