Filipino fan explains why his group drops G Toengi’s name

Ikinuwento ng isa sa mga Filipino fans na pinaalis ni Lea Salonga sa kanyang dressing room kung bakit nga ba nila nabanggit ang pangalan ng aktres na si G Toengi sa gitna ng kanilang pagpapaliwanag sa singer.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang isang video kung saan makikita si Lea na pinagsasabihan ang tatlong fans niya na pumasok sa dressing room ng wala diumanong paalam.

Ayon kay Lea ay nagpakilala ang mga fans niya na may koneksyon sa isa sa mga producers ng show ng aktres sa Broadway Theater sa New york na ‘Here Lies Love,’ ngunit napag-alaman na hindi pala ito totoo.

Umabot naman sa milyon milyong views online ang video na ibinahagi ng digital creator at negosyante na si Christopher Capila.

Nakapanayam naman nila Julius Babao at Tintin Bersola si Capila at ipinaliwanag ng negosyante na ‘honest mistake’ lamang ang pagkakabanggit nila kay Toengi.

“Siguro dahil si girl na kasama ko is na-rattle na siya, kumbaga na shock na siya sa bungad namin ni Miss Lea kaya nabanggit niya nalang si Miss G Toengi which is ang dapat niya na sasabihin is ‘yung co-producer ng Here Lies Love na kakilala si Miss Toengi ay in-invite sila to watch the show,” paliwanag ni Capila.

“Kaya lang alam niyo na, nataranta na siya,” dagdag niya pa.

May mensahe naman si Capila sa kanyang mga kritiko at sinabi na sana’y hindi siya iwan ng mga ito kapag humupa na ang isyu.

“Sa mga bashers namin, ang dami niyo na. Please don’t leave me. Kasi alam mo this is the beginning of our friendship. Hindi lang naging maganda ‘yung ating panimula, sisiguraduhin ko na kapag nakilala niyo ko ay itu-twist ko yan 160 degrees in to love,” aniya.

 

Facebook Comments Box