Apat na banyaga, himas rehas matapos babuyin ang bandila ng Pilipinas sa mismong kampo ng Marines

Apat na mga banyaga ang himas rehas ngayon sa Cavite matapos silang mahuli na hindi binibigyan ng respeto ang watawat ng Pilipinas.

Advertisement

Nakilala ang apat na suspek na mga Pakistani national na sina Sharoon Manzoor, 29, Shahid Manzoor, 45, Shamail Jalal, 36.

Kasama rin sa nahuli ang Romanian national na si Emil Oprescu.

Ayon sa imbestigasyon ay papunta ang apat na banyaga sa Puerto Azul sa Ternate nitong Hulyo 26, ngunit hindi diumano nila nagustuhan ang pagkakaantala ng kanilang biyahe dahil sa trapiko.

Matapos silang makarating sa kampo ng Philippine Marines sa Ternate ay bumaba na lamang ang mga ito at at kinuha ang bandila ng Pilipinas at saka ito sinira.

Advertisement

Dahil dito ay agad na hinuli ng mga miyembro ng Philippine Marines ang apat.

Hindi ikinatuwa ni Calabarzon Police Regional director, BGen. Carlito Gaces ang ginawa ng apat na indibidwal.

“The act of these foreign nationals is not only disrespectful but also a breach of the national symbol’s dignity. The flag, a revered representation of national identity and sovereignty of the country, deserves utmost respect from all individuals regardless of their nationality. We strongly condemn any act that undermines the values of cultural sensitivity, cooperation and harmony between nations,” ani Gaces.

Advertisement

Sa ngayon ay mahaharap sa patong patong na reklamo ang mga nasabing banyaga at maaring mapalayas pa sila sa Pilipinas at hindi na makabalik pa.

 

Facebook Comments Box