Babae na nahuli na noon na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, nakapagtapos ng high school with honors

Tila naging mabait ang tadhana sa isang 27-anyos na babae na residente ng Makilala, North Cotabato matapos nitong mabago ang kanyang buhay at makaalis ng tuluyan sa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

Advertisement

Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Honeylene Alindanao ang pagtatapos niya ng sa high school tatlong taon matapos siyang mahuli na nagbebenta at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot noong June 20, 2020.

Ayon sa kanya ay napagtanto niya na hindi niya naman kailangang sumuko sa buhay kaya naman matapos itong makalaya at nagpursigi itong baguhin ang kanyang buhay at mag-aral muli.

Matapos ang dalawang buwan na pagkakalagay sa kostodiya ng mga otoridad ay nag-desisyon ito na mag-aral at ngayon ay nakapagtapos ito ng ‘with honors’ sa Colegio De Maharlika nitong June 21, 2023.

Advertisement

Ayon kay Honeylene ay pina-plano niya na maging isang chef kaya naman kukuha ito ng kursong Hotel and Restaurant Management o culinary.

Pinasalamatan niya naman ang mga miyembro ng Makilala Police dahil sa pagsuporta sa kanya at pagkumbinsi sa kanya na magbagong buhay.

Advertisement

“Gusto ko magpasalamat sa lahat ng tumulong sa akin simula ng pagkakulong ko hanggang ngayon. Sa mga tauhan at staff ng Makilala Mps noong taon na iyon. maraming salamat sa lahat ng tulong na binibigay nyo sa akin, advice, guidance hanggang sa financials. maraming salamat sa lahat ng mga nahing ate at kuya ko na naging mabuti kong kaibigan,” ani Honeylene.

“Maraming salamat sa lahat ng nagmamahal, nagtitiwala at naniniwala na kaya kong lagpasan ang lahat lalo na ang pagbabago. Kayo ang aking inspirasyon at lakas para magkaroon ng liwanag ang madilim kong buhay. sa pagbabago at pagiging matuwid. maraming salamat po sa inyong lahat,” dagdag pa niya.

Facebook Comments Box