Dating stuntman na si Telly Babasa, ibinahagi ang pagta-trabaho kay FPJ: ‘May bayad na P5,000 kada sapak na tatama’

Ibinahagi ng dating regular stuntman ng nag-iisang ‘Da King’ na si Fernando Poe Jr. ang kanyang naging career kasama ang tinaguriang ‘King of Filipino Movies’.

Sa panayam kay Telly Babasa na madalas na gumaganap bilang kontrabida sa mga pelikula ni FPJ ay makikita na nagamit ng tama ng stuntman ang kanyang naipon dahil sa namumuhay ito ng maayos at mayroong magandang tahanan sa Batangas.

Sa ngayon ay 76-anyos na si Telly ngunit sariwang sariwa parin sa kanya ang ala-ala niya kasama si Da King.

Sinabi ni Telly na maliban sa pagiging kontrabida ay binibigyan rin siya ng ibang trabaho ni FPJ kaya kadalasan ay umaabot ng P12,000 kada araw ang kanyang sweldo.

Advertisement

Hindi niya rin makakalimutan kung paano tratuhin ni FPJ ang kanyang mga kassamahan.

“Ayaw niyang tatawaging extra mga artista. Basta ang gustong tawag sa kanila, mga talent iyang mga iyan.” ani Telly.

Advertisement

Maliban pa dito ay kung tumama ang mga kamao ni FPJ sa kanya ay nagbabayad ang namayapang aktor ng P5,000 kada tama.

Bukod kay FPJ ay nakatrabaho rin nito si Robin Padilla at Manny Pacquiao.

Isa sa mga ikinakakaba niya noon ay ang trabaho niya kasama ang eight division world champion dahil alam ng lahat kung ano ang maaring mangyari kung tumama ang kamao ni Pacman sa kanya.

Advertisement

“Nakakatakot si Manny, hindi pa siya marunong mag-routine noon. Talagang patatamaan ka talaga, kasi boxer, e. Saka ayaw nun nang malayo. Gusto niya dikit.” aniya.

Ayon sa kanya ay kahit na retirado na siya ay mayroon paring mga producer at direktor na gusto siyang kunin ngunit hindi na siya pinapayagan ng kanyang mga anak.

Facebook Comments Box