Babae na kasama ni Jason Hernandez, posibleng aktres lamang para sa MV ng kanta niya para kay Moira dela Torre

Tila nagkakaroon na ng kalinawan kung sino nga ba ang ‘mystery girl’ na laging kasama ngayon ng singer na si Jason Hernandez sa mga larawan na ibinabahagi niya sa social media.

Nitong Mayo 23, 2023, inilabas ni Jason ang kanyang bagong awitin na pinamagatang ‘Ikaw Pa Rin’ na maaring isinulat niya para sa dati niyang partner na si Moira dela Torre.

Makikita sa music video ng nasabing awitin ang mystery girl na laging ibinabahagi ni Jason kaya naman ilang netizens ang tingin ay para lamang sa ‘publicity’ ang ginagawa ng singer.

Umabot naman sa libo libong views sa social media ang nasabing video.

Dito na kumpirma na hindi naman pala karelasyon ni Jason ang babae na kanyang kasama at para lamang sa music video ang kanilang mga larawan.

Matatandaan na inulan ng batikos sa social media si Jason nitong Mayo 22 dahil sa dinala rin ng singer ang babae sa Horse Shoe Bend Canyon na isa sa mga pinuntahan ng dating mag-partner noong sila pa.

Tinawag ni Jason at Moira ang lugar na ‘Tagpuan ni Bathala’.

 

Facebook Comments Box