Ang lupit mo! Larawan ni Cesar Montano kasama ang kasalukuyang asawa niya at si Sunshine Cruz, patok sa netizens

Halo halong reaksyon ang natanggap ng larawan na ibinahagi ng aktor na si Cesar Montano.

Sa nasabing larawan na kuha nitong May 14, ipinagdiwang ni Cesar ang Mother’s day kasama ang kasalukuyan niyang partner na si Kath Angeles at dati niyang asawa na si Sunshine Cruz.

Ipinagdiwang din ng tatlo ang graduation ni Samantha.

Umabot sa libo libong reaksyon ang nakuha ng nasabing larawan ni Cesar mula sa mga netizens.

“dito sa ibang bansa kahit hiwalay na ang mag asawa may bonding pa rin at good relationship pa rin sa kanilang mga ex .sa pinas lang talaga daming bitter na pag once ex na dapat may galit tanim sa isat isa bahahhahaha,” ani netizen Yam.

“Parang yung akbay ni Cesar Kay sunshine pang asawa with class, yung isa pang tropa lang. HAHAHAHA,” komento ni netizen JC.

“Co parenting shouldn’t be hard especially for the sake of the kids involved.
#acceptanceisthekey,” wika ni netizen Era.

Matatandaan na naghiwalay si Cesar at Sunshine noong 2013 dahil sa magulo nilang pagsasama.

Ngunit napagdesisyunan parin ng dalawa na magkaroon ng co-parenting setup para sa kanilang tatlong anak.

Facebook Comments Box