Red flag! Slater Young binatikos matapos sabihin na ayos lang pag pantasyahan ang ibang babae ng mga taken na lalake

Nadurog ang puso ng libo libong kababaihan matapos tila magmistulang ‘red flag’ ang inaakala nilang ‘Mr. Green flag’ ang influencer at Pinoy Big Brother grand winner na si Slater Young.

Nag-umpisa ang kontrobersiya sa “SkyPodcast” ni Slater kasama ang kanyang asawa na si Kyrz Uy nitong Mayo 9, kung saan ay sinabi ng influencer na ‘normal’ lamang sa isang lalake ang mag-pantasya ng ibang babae kahit na sila ay ‘taken’ na.

Inamin ni Slater na kasali siya sa mga chat group kung saan ay napag-uusapan ang ibang babae na kanilang pinag papantasyahan.

“‘Yung mga groups na nagsesend ng mga photos of girls and like fantasizing over it, it’s normal. We have a lot of chat groups with friends, not necessarily dedicated to that. From time to time, usually comes from dalawa or tatlong tao na mahilig mag-send nang ganyan. May mga comment-comment pa. Siyempre ikaw, as part of that group and as a guy, sakyan mo lang,” ani Slater.

Sinabi naman ni Kryz na hindi niya tinitignan ang mga group chats ng kanyang asawa upang sa gayon ay hindi siya makakita ng hindi maganda na maari nilang pagtalunan.

“To protect my peace, I’ve never looked at your group chats. Ever. I never intentionally went to your phone and was like, ‘I’m gonna look for this group. I know that they send stuff.’ But I’m like, bakit pa? Wala naman siyang ginagawa in person,” aniya.

Inulan naman ng batikos sa social media si Slater dahil sa naging pahayag nito.

“I guess Slater Young is NOT the standard after all. Women aren’t toys you can use for entertainment,” sabi ni netizen Cha.

“Who’s going to tell him? What if it’s your wife’s pic… normal lang na pag-panstasyahan ng mga lalaki sa mga gc as long as they don’t act on it?” wika ni netizen Tris.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Slater sa pambabatikos na kanyang natanggap.

Facebook Comments Box