Nakalaban ni Kenneth Egano na naging dahilan upang ma-comatose ito, humingi ng paumanhin

Humingi ng paumanhin sa publiko ang huling nakalaban ng 22-anyos na namayapang boksingero na si Kenneth Egano dahil sa nangyari.

Sa kanyang Facebook post, hindi makapaniwala si Jason Facularin na magtatapos sa hindi magandang pangyayari ang naging laban nila ni Egano.

Matatandaan na tinalo ni Egano si Facularin sa puntos sa kanilang naging laban nitong Mayo 6 sa Cavite.

Ngunit hindi na nalaman pa ni Egano ang naging pagkapanalo niya dahil sa nawalan na ito ng malay matapos ang 8-round nilang laban.

Lubos naman ang pagsisisi ni Facularin sa nangyari sa kanyang katunggali na itinuturing niyang isang malapit na kaibigan.

“Hindi ko inaasahan na mangyayari to. Bakit to nangyari? Humihingi ako ng paumanhin sa nangyari,” ani Facularin.

“Condolence. I hope you’re in a good place,” dagdag pa niya.

Nagpakita naman ng suporta ang mga netizens kay Facularin at sinabi na wala namang may gusto ng nangyari kay Egano.

“Don’t blame your self wlang my nakagusto s mga mangyari,” sabi ni netizen Ninfa.

“Dalhin mo yung mga pangarap ni Kenneth magworld champion, Gawin mo tong inspirasyon at wag na wag kang susuko,” wika ni netizen Enzo.

Hindi rin makapaniwala ang ilang nanood ng nasabing laban dahil makikita naman na lamang na lamang si Egano at inakala nila na hindi ito napuruhan.

 

Facebook Comments Box