Pumanaw na sa edad na 22-anyos ang boksingero mula Sarangani Province na si Kenneth Egano ilang araw matapos itong ma-coma matapos ang kanyang laban.
Nitong Mayo 11, ganap ng pumanaw dahil sa pagdurugo ng utak si Egano matapos ang kanyang boxing match kay Jason Facularin.
Nangyari ang laban noong Mayo 6, kung saan ay bigla na lamang nawalan ng malay si Egano habang hinihintay ang naging resulta ng laban.
Naideklarang panalo si Egano ngunit hindi na niya ito nalaman dahil sa isinugod na ito sa ospital.
Nangako naman si eight-division world champion Manny Pacquiao na sasagutin ang naging gastos sa pagpapa-ospital ng boksingero.
Nagbigay din ng pakikiramay si Facularin sa nangyari sa kanyang kaibigan.
“I didn’t expect this to happen. We all did our best. Why did this happen? I’m sorry for what happened. Codelence. I hope you’re in a good place.” ani Facularin.
Inulan din ng pakikiramay ang pamilya ni Egano mula sa mga netizens at hindi nila maitago ang panghihinayang dahil malaki ang potensyal ng boksingero para maging isang champion.
Sa nangyari ay ipinapaalala ng mga eksperto na napakadelikadong sports ng boxing at kada may laban ay ibinubuwis ng mga boksingero ang kanilang buhay.