Lolo na umiinom lamang ng Gin, hindi makapaniwala matapos manalo ng P100,000

Hindi makapaniwala ang isang lolo na ang balak sana’y mag-iinom lamang ngunit hindi inaasahan na mayroon palang darating sa kanya na grasya.

Sa istorya na ibinahagi ng Annalyn Manjares, makikita si lolo Carlos Arca habang nagdiriwang matapos niyang malaman na ang bote ng gin na kanyang binili ay naglalaman pala ng P100,000.

Ayon kay Manjares ay marami pang premyong ipinapamigay ang nasabing kumpanya kaya naman hinihimok nito ang mga netizens na tignan mabuti ang tansan ng kanilang mga binibiling bote ng gin upang malaman kung mayroon ding naghihintay sa kanilang swerte.

Mahilig na diumanong uminom si Lolo Carlos, ngunit hindi sumagi sa isip nito na mananalo siya ng pera dahil sa kanyang libangan.

Sa ngayon ay umabot na sa libo libong shares sa social media ang post ni Manjares na isang Brand Ambassador sa nasabing kumpanya.

“Lagi nyong ichecheck mga selyo ng gin nyo. Hindi pa nakukuha yung motor,” ani Manjares.

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens na magbiro.

“KAYA SA MGA KAKILALA KO MALAKAS MAG GIN WAG KAYO TITIGIL MALAY NYO MAKUHA NYO 100k PAMBAYAD SA HOSPITAL,” sabi ni netizen Jhay Bueno.

“Tara na at mag gin baka manalo tayo pambayad sa pagpapagamot ng mga atay natin,” wika naman ni Ronalyn Petel.

Facebook Comments Box