Eat Bulaga Dabarkads, kinanta ang theme song ng It’s Showtime

Hindi maitago ng mga netizens ang pagkatuwa ng buong tapang na kantahin ng ilang Eat Bulaga host ang theme song ng kanilang katunggaling programa na I’ts Showtime.

Makikita sa May 6 episode ng longest-running noontime show ang challenge na ibinahagi ni Joey de Leon sa ilang Dabarkads kapalit ng P10,000.

Hamon ni Joey ay kantahin nila Gabbi Garcia na special guest ng programa, Jose Manalo, Allan K at Wally Bayola ang theme song ng kanilang rival show.

Agad naman itong sinunod ng mga Dabarkads at kinanta ito.

Nakisabay naman ang mga audience sa pagkanta.

Sa huli ay nagbiro pa si Joey na tatanggalin niya ang mga host dahil sa pagkanta nila ng theme song ng It’s Showtime.

“Wala tanggal na kayo,” ani Joey.

Naganap ito sa gitna ng mga balita tungkol sa diumano’y paglipat ng Eat Bulaga sa TV5.

Kung mangyari ito ay maaring maging magkatabi sa timeslot ang Eat Bulaga at It’s Showtime na maaring maging dahilan upang mamayagpag sa ratings ang TV5.

Matatandaan na mayroong isyu ang ilang host ng Eat Bulaga sa producer ng programa na Tape Inc.

Sinabi ni Tito Sotto na isa sa mga host ng noontime show na mayroong posibilidad na lisanin nila ang GMA kung hindi masosolusyunan ng maayos ang kanilang mga hinaing.

Facebook Comments Box