Isang abogado, naniniwalang maaring managot si Paolo Contis matapos aminin na hindi ito nagbibigay ng child support

Isang abogado ang ikinabigla ang pag-amin ng aktor na si Paolo Contis na hindi siya nagpapadala ng suporta sa kanyang mga anak sa mga dating partner niya na sina Lian Paz at LJ Reyes.

Matatandaan na nitong Pebrero ay inamin ni Contis na hindi siya nagpapadala ng child support kay Xonia, Xylene at kay Summer.

Ngunit nilinaw naman ni Contis na nag-iipon siya ng pera para sa kanyang mga anak.

“It’s a mistake na nasimulan ko ever since before na hindi ako nakapagbigay,” ayon sa aktor

“But ever since na nagtrabaho ako ng maayos, unti-unti akong naglalagay ng account para kay Xonia, kay Xylene, pati kay Summer.” dagdag pa niya.

Ayon kay Atty. Luie Tito Guia ay maaring managot sa batas si Contis dahil sa kanyang pag-amin na hindi siya nagpapadala ng suporta sa kanyang mga anak.

“Was he advised by a lawyer? Isn’t this an admission of a willful failure to discharge an obligation imposed by law?” ani Guia.

Matatandaan na ipinagbabawal sa batas ang isang magulang na hindi nagpapadala ng suporta sa kanyang mga anak.

Ayon sa Family Code ay inoobliga ng batas ang mga magulang na magbigay ng suporta sa kanilang mga anak kasama na dito ang pagpapagamot, pagpapa-aral at iba pang mahahalagang pangangailangan ng mga bata.

 

Facebook Comments Box