Eat Bulaga, nawawalan daw ng mahigit 400 million pesos: ‘Ang sabi sa ‘min, nalulugi raw ang Eat Bulaga’

Ibinahagi ng isa sa mga host ng Eat Bulaga na si Tito Sotto ang naging paliwanag sa kanila ng Tape Inc. para pagbalakan na alisin ang ilang mga staff ng nasabing noontime show.

Advertisement

Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas, sinabi ni Sotto na sinabihan sila nalulugi na ang Eat Bulaga kaya naman kinakailangan silang mag-alis ng mga empleyado upang maiwasan ang tuluyang pagkalugi ng programa.

Sinabihan rin sila na may ilang mga segment ang Eat Bulaga na kailangan baguhin dahil sa hindi na daw ito nakakaaliw.

“Ang sabi sa ‘min, nalulugi raw. Kailangan daw, baguhin ang nagpapatakbo. At kailangan daw i-reinvent ang Eat Bulaga, at mayroon daw mga portion na bored sila.” ayon kay Sotto.

Ibinunyag din ni Sotto na mayroong isang opisyal ng Tape na mayroong utang na tig-30 milyong piso sa kanyang mga kasamahan na sina Vic Sotto at Joey de Leon.

Advertisement

“Ang laki ng utang kay Vic at kay Joey. Mahigit tig-30 million pesos ang utang sa kanila, for 2022 alone.” pagbubunyag niya.

Hindi naman daw naniniwala si Sotto na nanlulugi na ang Eat Bulaga at mapapatunayan diumano ito ng mga dokyumento sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Ayon kay Sotto ay mayroong 213 million peso net profit noong 2021 ang TAPE at dapat diumano’y mas malaki ang kitain nito para sa taong 2022 dahil sa panahon ito ng eleksyon.

Maliban pa dito ay ibinunyag din ng television host na mayroong nawawalang P400-M sa Eat Bulaga na nakuha nila sa mga political ads noong nakaraang taon.

Advertisement

Tanging ang Tape lamang diumano ang nakakaalam kung saan ito napunta.

Facebook Comments Box