Pulis na muntikan ng tuluyan ang grupong Tukomi dahil sa kanilang prank, pinuri ng mga netizens

Pinuri ng mga netizens ang isang pulis matapos nitong muntikan ng tuluyan ang content creator group na ‘Tukomi’ dahil sa kanilang ginagawang prank.

Advertisement

Sa prank na ginawa ng Tukomi ay kunwari sanang dudukutin nila ang isa nilang kasabwat at pipilitin na sumakay sa kanilang itim na kotse.

Makikita naman ang pagtakbo ng mga tao matapos gawin ng Tukomi ang kanilang prank, ngunit may isang matapang na lalaki ang agad na tinutukan ang mga influencer upang pigilan ang kanilang balak.

Nakilala ang lalaki na isang pulis na agad na rumesponde dahil inakala nito na totoo na mayroong dinurukot.

“Hoy p—- i– n—, pulis to, baba!” sabi ng lalaki.

Agad naman na bumaba ang isa sa mga miyembro ng Tukomi upang sabihin na prank lamang ang kanilang ginagawa.

Ngunit hindi agad nakumbinsi ang pulis at sinubukan pa itong lapitan ng influencer.

Advertisement

Makikita naman na hindi nagpahawak ang pulis at todo alerto parin ito.

“Wag mo akong didikitan!” sigaw ng pulis.

Inulan naman ng papuri ang pulis sa mga netizens dahil sa kahit na posibleng off-duty ito ay nagawa nitong gawin ang kanyang tungkulin.

Advertisement

“Salute to the police man who willing to help. Imagine if this is a real life situation meron isang taong di magdadalawang isip na tumulong!! The police really doing his job,” sabi ni netizen Kaori.

“Salute. Good job kay tatang Lesson learned sa mga vlogger and content creator.” komento ni netizen Jhayzen.

Samantala ay pinuna naman ng ilang netizens ang Tukomi dahil sa napakadelikado ng kanilang ginawa.

Facebook Comments Box