Panunugod ng anak ni Congressman Arnie Teves sa isang security guard, sinariwa ng mga netizens

Dahil sa isyu na kinakaharap ngayon ni House Deputy Speaker Arnie Teves ay hindi maiwasan ng mga netizens na balikan ang kontrobersiya na kinaharap ng anak nito na si dating Board Member Kurt Teves.

Advertisement

Nangyari ang insidente noong Marso 16, 2022 kung saan ay makikita si Kurt kasama ang kanyang mga staff habang pinagtutulungan ang isang security guard na humarang sa kanila sa isang exclusive subdivision sa Paranaque City.

Maririnig din ang paghahamon ng anak ng kongresista sa security guard na wala namang magawa dahil sa armado ang grupo ni Kurt.

“S-ntukan tayo? B-rilan tayo? ‘Di ka dapat ganu’n magsalita, dapat guwardya ka eh. Ano gusto mo nga, magb-rilan tayo? May b-ril ka diyan.” hamon ni Kurt sa security guard.

Matatandaan na naantig ang puso ng mga netizens sa nasabing security guard na nakilalang si Jomar Pajares.

Advertisement

“Masakit kasi naghahanap-buhay ako para sa pamilya ko eh. Pag-uwi ko ngayon, hindi na ako mapakali, natatakot ako kasi maya-maya balikan ako. Iniisip ko ‘yung pamilya ko, ‘yung anak ko. Ganoon na lang ang takot ko kasi malaking tao ‘yan eh,” ani Pajares.

“Dapat mabigyan ng hustisya kasi hindi ‘yan aaksyunan. Hindi lang ako ‘yung katulad ko na gagawan niyan ng mga mayayaman. Hindi lang ako ang magiging biktima niyan,” dagdag pa niya.

Marami ang kumalat na balita na nagkaroon ng kasunduan ang kampo ng mga Teves at si Pajares ngunit hindi ito sigurado.

Advertisement

Sa ngayon ay humaharap sa seryosong reklamo si Kurt dahil sa mga nakitang armas sa kanilang tahanan nitong Marso.

Facebook Comments Box