Suspek sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo, itinuro si Rep. Arnie Teves na mastermind

Itinuro ng dalawang salarin sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo si Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. bilang mastermind.

Advertisement

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla ay isa si Teves sa kanilang mga iniimbestigahan matapos siyang ikanta ng mga suspek.

Paliwanag ng mga suspek ay ang unang alok sa kanila ng diumano’y mastermind ay gagawin lamang silang VIP security at hindi alam na pupuntahan pala nila ang gobernador.

“Ang offer samin ay mag-VIP security lang kami, ‘yun pala iba na ‘yung naging [trabaho] namin doon.” sabi ng isa sa mga suspek.

“Si Congressman Teves po [ang nagutos samin]” dagdag pa nila.

Advertisement

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Teves na ngayon ay nasa ibang bansa laban sa mga akusasyon sa kanya.

Sa naunang pahayag ni Teves ay sinabi nito na wala naman siyang mapapakinabangan kung masasawi si Degamo lalo na’t tapos na ang eleksyon.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Teves noong 2022 matapos masangkot ang kanyang anak na si Kurt Teves sa diumano’y panunugod sa isang security guard sa BF Homes Subdivision, ParaƱaque City.

Advertisement

Nag-umpisa ang gulo matapos harangin ng nasabing security guard ang anak ng kongresista.

 

Facebook Comments Box