Dating Pangulong Rodrigo Duterte, gustong ipagbawal ang lahat ng fraternities sa mga eskwelahan

Naniniwala si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ito na ang tamang oras upang ipagbawal ang lahat ng fraternities at sorirites sa lahat ng eskwelahan sa buong Pilipinas.

Advertisement

Sa panayam sa kanya ng SMNI, sinabi ni Duterte na kung gusto nilang hindi na maulit pa ang nangyari kay John Matthew Salilig ay dapat ng ilayo ang mga estudyante sa mga fraternities.

“If you want really an honest answer, if you want to do away with h-zing and other harmful practices in a fraternity, iyong solusyon ni [Juan Ponce] Enrile eh tama talaga, totally banned iyong fraternities pati sororities in our schools,” ani Duterte.

Inamin naman ni Duterte na parte din siya ng fraternity at inamin na biktima rin siya noon ng h-zing.

Advertisement

“Pati si Enrile- Enrile is Sigma Rho yan sa UP. Ako Lex Talionis ako sa San Beda. Sa San Beda ako nag-graduate eh. Alam mo sa totoo lang, about 3 years earlier, ako, as President, signing the document, and to all the justices sa Supreme Court na classmate ko sa San Beda, pati frat ko, signed a document addressed to our fraternity to stop h-zing. Pero alam mo hindi ito nadadala ng batas,” aniya.

Advertisement

“Mismo kasi ako dumaan rin. Pati ‘yan si Enrile sigurado dumaan ‘yan. I don’t know if I’m behaving correctly but dumaan din ako eh. As a matter of fact, I had to hospitalize ako sa Davao Doc. massive na trauma, hematoma sa palo,” dagdag pa niya.

Facebook Comments Box