Netizens binalikan ang pagtawag ni Maegan Aguilar na ‘bayaran’ ay duwag kay Raffy Tulfo

Matapos ang paghingi ng tulong ni Maegan Aguilar kay Sen. Raffy Tulfo ay binalikan ng ilang netizens kung paano tinalakan ng anak ng OPM legend na si Freddie Aguilar ang tinaguriang ‘Idol ng Bayan’.

Noong 2017 ay inireklamo si Maegan ng isang taxi driver dahil sa diumano’y mapanirang mga post ng singer laban sa kanya.

Ayon sa nasabing taxi driver na si Rosalina Gigante ay inakusahan siya ni Maegan na ninakaw diumano niya ang gitara ng singer at ibinahagi pa sa social media ang ilang pribadong impormasyon tungkol sa kanya.

Kaya naman dumulog si Rosalina sa programa ni Tulfo na hindi naman nagustuhan ni Maegan.

Advertisement

Sa kanyang Facebook post na ang pangalan ay ‘Phoebee Dee’, hindi napigilan ni Maegan na pagsalitaan ng kung ano-ano si Tulfo at akusahan itong ‘bayaran’ at duwag.

Nagbanta pa si Maegan na kakasuhan na lamang ang taxi driver.

Sa isang post pa hindi na nakapagpigil si Maegan na magsalita ng masasama laban kay Tulfo at nagsabi pa ito na isusumbong niya ang mamamahayag kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na malapit sa kanyang amang si Freddie Aguilar.

Tila ipinagmalaki rin ni Maegan na hindi siya tatablan ng pambabatikos at patuloy paring magiging masarap ang kanyang buhay.

Advertisement

“Kahit anong galit niyo, si Maegan Aguilar pa rin ako at patuloy na hihiga sa masarap, kakain ng masarap at mabubuhay ng pagka sarap sarap,” aniya.

Ngunit tila mapaglaro talaga ang tadhana dahil matapos ang mahigit anim na taon ay nagkaroon ng karamdaman si Maegan at napilitan na nitong matulog sa lansangan.

Advertisement

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay hiningian ng tulong ni Maegan si Tulfo na kanyang pinagsalitaan ng masasama.

Bigo namang makakuha ng suporta si Maegan kay Tulfo dahil sa nagpositibo ito sa test na isinagawa sa kanya.

Tumanggi rin ito sa rehabilitation na lalong ikinadismaya ng television host.

Facebook Comments Box