Kabaong, ginawang ihawan ng isang malikhaing funeral shop owner sa North Cotabato

Isang malikhaing netizen sa North Cotabato ang gumawa ng isang kakaibang ihawan.

Advertisement

Sa ulat ng Coconuts Manila, makikita ang ihawan na gawa sa kabaong na likha ng isang netizen na isa palang may-ari ng funeral parlor.

Ayon kay Vincent Doletin na siyang may likha ng nasabing ihawan ay naisipan niyang gawin ito noong nakaraang pandemya matapos niyang mapanood ang ‘coffin dance meme’ na sikat na sikat noon sa social media.

Sinabi pa ni Doletin na marami siya noong stock na kabaon ngunit ang ginawa niyang ihawan ay galing pa sa kanyang kaibigan sa Pampanga.

Kwento niya ay umabot ng dalawang araw upang magawa nila ang nasabing grill kasama ang kanyang pinsan.

Advertisement

Itinanggi niya rin na ginagamit niya ang grill para sa negosyo, kundi para lamang sa kanilang mga kamag-anak.

Hati-hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa naging ideya ni Doletin.

May ilan na natuwa, humanga at mayroon ding nandiri sa likha ng negosyante.

Advertisement

Sa ngayon ay umabot na sa 10,000 shares ang nasabing post.

Facebook Comments Box