Netizens, kinilabutan dahil tila nahulaan ni Rudy Baldwin ang pagpanaw ni Governor Roel Degamo

Hindi maitago ng ilang netizens ang kilabutan matapos balikan ang naging hula noon ni Rudy Baldwin tungkol sa isang opisyal sa probinsiya ng Negros Oriental.

Matatandaan na noong Oktubre 31, 2020 ay ibinahagi ni Baldwin ang kanyang vision tungkol sa mangyayari sa nasabing prosinsiya.

“ISANG POLITIKO NGUNIT KILALANG POLITIKO ITO NG NEGROS ANG HINDI INAASAHAN NA MAG PAPAALAM NA .LAHAT NG ITO AY MANGYAYARI PA LAMANG ,MAGING MAINGAT ANG LAHAT AT HUWAG MAKALIMOT NA MAGDASAL PALAGI SA PANGINOON DAHIL SYA LAMANG ANG PWEDI NATING KAPITAN LAHAT.LAGING MANALANGIN LAMANG.” ayon kay Baldwin.

Larawan ng post mula kay Rudy Baldwin

Nitong Marso 4, ay ginimbal ng isang balita ang mga taga Negros Oriental dahil sa pagpanaw ng kanilang gobernador na si Roel Degamo.

Namimigay ng ayuda si Degamo para sa mga 4Ps beneficiaries sa kanyang tahanan ng bigla na lamang pumasok ang ilang armadong kalalakihan at pinaulanan ng bala ang gobernador.

Hindi naman matagumpay na nailigtas ng mga doktor si Degamo.

Sa ngayon ay hinahanap parin ang mga nasa likod ng nangyari sa gobernador.

Ayon sa ilang mga netizens ay tila naging totoo ang hula ni Baldwin na kilala sa kanyang mga diumano’y ‘visions’ na tila nangyayari.

Kumpirmado na hindi edited ang nasabing post ni Baldwin.

Samantala ay hinimok naman ng mga matataas na opisyal ng gobyerno ang PNP na hulihin agad ang mga salarin sa nangyari kay Degamo.

 

Facebook Comments Box