Ogie Diaz, umaasa na babalik sa Pilipinas si Hope Soberano: “Gusto ko, magningning uli ang career niya.”

Kahit na tila buo na ang desisyon ni Hope Soberano na manatili sa Amerika upang pasukin ang Hollywood, umaasa parin ang dati niyang talent manager na si Ogie Diaz na magbabago ito ng isip.

Sa kanyang show sinabi ni Ogie na marami pang oportunidad si Hope sa Pilipinas kung magdesisyon ito na umuwi.

Ayon kasi kay Ogie ay gusto niya na makita muli si Hope na sumikat muli.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

Matatandaan na pinuna ng talent manager ang tila hindi magandang takbo ng career ng aktres sa abroad at sinabi nito na tila naging pangkaraniwang ‘K-Pop fan’ na lamang ang dati niyang alaga.

“Siyempre, ako bilang former manager ni Liza, buksan mo man ang puso ‘yun ang laman, na gusto kong makabalik uli si Liza. Gusto ko, magningning uli ang career niya. Alam ko kaya pa ni Liza, alam ko may asim pa si Liza. Hinihintay lang siya ng mga fans,” ani Ogie.

Handa naman daw tulungan ni Ogie si Hope kung sakali na kausapin siya muli nito.

“Nung naghiwalay tayo bilang manager-talent, sabi ko sa’yo, basta ‘pag may concerns ka, problema o tanong ka nandito lang palagi ang Tito Ogie mo, maghihintay lang ng tawag o text mo.” sabi pa niya.

Sa ngayon ay hawak ng aktor at talent manager na si James Reid si Hope.

Naging usap-usapan si Hope sa social media dahil narin sa diumano’y pagbabahagi niya ng kanyang karanasan bilang sikat na aktres sa Pilipinas kung saan ay ibinahagi niya na hindi siya nabigyan ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang mga sariling ideya.

 

 

Facebook Comments Box