Kat Alano, sinabi na maari paring ikonsidera na panghahalay kahit na pumayag ang babae na makipagtalik: “PAG UMAYAW KA NA AT TINULOY NILA

Naniniwala ang VJ na si Kat Alano na maari paring ikonsidera na panghahalay kahit na pumayag ang isang indibidwal sa kanyang kapares.

Sa kanyang tweet nitong Pebrero 26, sinabi ni Alano na maari paring ikonsidera na panghahalay kung ang indibidwal ay ayaw ng makipagtalik ngunit pinilit parin siya na ituloy ito.

“Walang kinalaman ang paglalandi, pananamit,pagiinom,pag lalabas ng gabi sa r—. KAHIT NAKIKIPAG TALIK KA NA SA ISANG TAO,PAG UMAYAW KA NA AT TINULOY NILA ITO AY CONSIDERED R— NA DIN.” ani Alano.

“Maging aware po tayo para hindi na mali ang pagiisip at hindi na makalaya ang mga salarin.” dagdag pa niya.

Larawan mula kay Kat Alano

Matatandaan na ibinahagi noon ni Kat na biktima siya ng isang kilalang celebrity na ngayon ay malaya parin kahit na mayroon itong ginawang masama sa kanya.

Tinago niya ang pangalan ng celebrity sa alyas na ‘#RhymesWithWrong’.

Ilang netizens naman ang naniniwala na si Vhong ang pinapatamaan ni Kat kaya naman ang ilan sa kanila ay aktibo sa pakikipagtalo sa VJ sa kanyang social media page.

Larawan mula kay Kat Alano

Hanggang ngayon ay hindi parin sinasabi ni Kat nang direkta kung sino nga ba ang nasabing celebrity.

Hinimok rin noon ng mga netizens si Kat na magsampa ng reklamo ngunit tumanggi ito at sinabi na makapangyarihan ang nasabing artista kaya’t mas pinili niya na lamang na hindi idaan sa korte ang kanyang reklamo.

 

Facebook Comments Box