Hindi maitago ng rumored partner ni Maggie Wilson na si Tim Connor ang pagkadismaya sa tila hindi makatarungang ginagawa sa kanila ng kampo ni Victor Consunji.
Sa kanyang social media post, hindi maitago ni Connor ang kanyang pagtataka kung bakit habang naibabahagi ng dating partner ni Wilson na si Victor Consunji ang kanyang diumano’y bagong partner na si Rachel Carrasco ay sila pa ang nasampahan ng kasong ‘adultery’.
Hindi rin naitago ni Connor ang pagkalungkot dahil sa nakasuhan din si Wilson ng cyberlibel dahil sa paglalahad nito sa relasyon ni Consunji at Carrasco kahit na mayroon naman daw itong katotohanan.
Kasama sa kanyang mensahe ang larawan na ibianhagi mismo ni Carrasco kasama si Consunji.
“The guy on the left had me charged with adultery along with his wife, and the “godfearing woman” (and her friend) on the right had @wilsonmaggie charged with cyber libel for alledging she is in an illicit relationship with the guy on the left.” ani Connor.
Nagbigay din ng mensahe si Connor sa mga kinauukulan na sana’y huwag silang magpagamit sa kampo ni Consunji.
“To the judges, prosecutors, lawyers, police, family, friends and the media. When are you guys going to stop these two from making mockery out of you and the system?
“Some Filipinos might look at this as “normal” but believe me the rest of the world unfortunately really doesn’t,” sabi pa niya.
Ibinahagi din ni Wilson ang nasabing mensahe mula kay Connor.
Sa ngayon ay wala pang tugon si Consunji at Carrasco sa banat sa kanila ni Connor.