Laos na? Ogie Diaz expresses sadness over the Liza Soberano’ fading career: “Pinaghirapan naming lahat ito”

Tila hindi mapigilan ng talent manager na si Ogie Diaz na manghinayang na sobra sa nangyayari ngayon sa career ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano.

Sa kanyang online program na “Showbiz Update” sinabi ni Diaz na tila nasayang ang lahat ng pinaghirapan niya bilang isang talent manager upang mapasikat si Liza ng husto at maging isa sa mga pinakamalaking bituin sa bansa.

Tila hindi kasi nagiging maganda ang mga desisyon ngayon ni Liza kasama na ang paglipat nito sa Amerika upang subukan na makapasok sa Hollywood.

Mula rin diumano sa pagiging isang sikat na artista ay tila naging ‘fan’ na lamang na K-Pop ang imahe ni Liza ngayon.

“Ako lang nanghihinayang Loi kasi syempre nanghihinayang ako sa career ni Liza. Wa echos. Kasi andun siya eh. Andun na siya. Tapos syempre nahu-hurt ako bilang former manager na nakakabasa ng ano nang ginagawa na niya sa sarili niya?

“Bakit nag-iiba ng direksyon? Bakit noong nandoon pa siya sa ABS-CBN o kay Ogie Diaz eh maganda naman, maayos naman ang palakad sa kanya? Bakit nagiging fan na lang ng Kpop si Liza? Yung mga ganun.” aniya.

Bilang dating talent manager ni Liza ay naiintindihan naman ni Ogie ang mga naging desisyon ng kanyang dating alaga ngunit hindi parin nito maiwasan na malungkot sa tila ang kinang ng kasikatan ng aktres ay unti unti ng napapawi.

“Nanghihinayang lang ako kasi pinaghirapan naming lahat ito kung nasaan siya nandun. Gusto ko na lang unawain si Liza kung ano ang gusto niya, kung ano ang makakapagpasaya sa kanya. Pero syempre nanghihinayang ako dun sa mga nakakawalang proyekto kay Liza. Hindi rin pinalad ang ABS-CBN na gawin ng Lizquen kasi tumanggi sila.” ayon pa kay Ogie.

Ngunit naniniwala si Ogie na maari pang maibalik ni Liza ang kanyang career sa Pilipinas kung sakali man na bumalik na ito sa bansa.

“Kaya pa rin niyang bumalik kung gugustuhin niya.” sabi ng talent manager.

Facebook Comments Box