Matapos sabihing hindi nirespeto ni Boy Tapang, ‘No Bra Challenge’ ni LJ Satterfield, kumalat sa social media

Hanggang ngayon ay usap-usapan parin ang paghihiwalay sa pagitan ng dalawang influencer na sina LJ Satterfield at Ronnie Suan na mas kilala sa kanyang alyas na si ‘Boy Tapang’.

Matatandaan na hindi naging maganda ang katapusan ng tandem ng dalawa matapos masiwalat na ang kanilang ‘relasyon’ ay palabas lamang pala upang sila ay magkaroon ng content sa social media.

Ayon kay Suan ay ginamit lamang siya ni Satterfield ngunit inamin din nito na nahulog din siya sa kagandahan ng Filipino-American influencer.

Habang si Satterfield naman ay sinabing hindi niya nagustuhan ang ginagawang mga ‘green jokes’ ni Suan sa kanilang mga content.

Ngunit ilang netizens ang nagtatanong kung bakit hindi natutuwa si Satterfield sa ginagawang mga biro ni Suan kung ang mga content naman nito dati ay maikokonsiderang ‘rated SPG’.

Ilan sa mga netizen ang binalikan ang ilan sa mga video ni Satterfield kasama na ang kanyang ‘no bra challenge’ kung saan ay naligo ito sa swimming pool ng walang pangitaas.

Ang nasabing video ay ibinahagi ni Satterfield noong 2020.

“Before ko inapload ito ay dinouble check ko to to make sure na walang makitang kakaiba,” sabi ng influencer.

“At meron po tayong nilagay na mga stickers para matakpan ang mga di kanais_nais na mga bagay.Huwag po tayong maging oa sa pag react po,” dagdag niya pa.

Umabot sa mahigit 600,000 views ang nasabing video na pinanood ng libo libong kalalakihan na hindi napigilang mapaisip sa ginawang challenge ni Satterfield.

Nilinaw naman ng influencer na katuwaan lamang ang kanyang ginawang content.

Facebook Comments Box