LJ Satterfield, may bago na kagad ka-collab matapos ang tambalan nila ni Boy Tapang

Ibinahagi ng influencer na si LJ Satterfield ang kanyang magiging bagong direksyon bilang content creator matapos ang kanilang pagtatalo ni Ronnie Suan o mas kilala bilang si ‘Boy Tapang’.

Sa kanyang Facebook post nagbigay ng mensahe si Satterfield sa kanyang mga kritiko at pinasalamatan nila ito dahil sa nakuha niyang ‘Youtube Silver Play Button’.

Ito’y kahit na nakuha ito ni Satterfield noong hindi pa siya nakakatanggap ng pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa diumano’y pangagamit niya sa kasikatan ni Suan.

Ipinakilala din nito ang kanyang bagong ka-collab na si Boy Maoy at tatawagin

Your bashing is the key. SILVER PLAY BUTTON IS HERE thank you lalabs BOY MAOY.

“May naisip na ako guys di na ako si girl tapang! Ako na si GIRL MANGGA. Hello mga ka-mangga,” pahayag ni Satterfield.

Matatandaan na pinag-usapan sa social media si Satterfield at Suan matapos magbatuhan ng akusasyon ang dalawa.

Inamin ng dalawa sa kanilang mga fans na hindi naman talaga sila magkarelasyon at ginagawa lamang nila ang magpanggap upang magkaroon sila ng content sa social media.

Ayon kay Satterfield ay hindi rin maganda ang kanyang naging karanasan kay Suan at ilang beses din itong naglabas ng sama ng loob sa tila hindi pagpapakita ng respeto sa kanya ng influencer.

Facebook Comments Box