Hindi maitago ng ilang netizens ang pagkadismaya matapos mapanood ang video ng isang influencer na sinusubukang kumain ng paa ng manok.
Ibinahagi ng American-Vietnamese content creator na si Jennifer Ngo ang kanyang pagsubok na kainin ang Chicken Feet Dim Sum na kadalasan ay kinakain din ng mga Pilipino at ng iba pang mga Asyano.
Ngunit tila hindi maatim ni Ngo na makain ang nasabing pagkain dahil sa pandidiri nito.
Makikita na tila pinipigilan lamang ng influencer na maduwal habang sinusubukan na isubo ang paa ng manok ngunit sa huli ay hindi niya rin ito tinikman.
Dahil sa pagiging Vietnamese ni Ngo ay maraming kababayan niya ang hindi natuwa sa kanyang ginawa.
Kahit ang mga netizens sa Pilipinas ay sinabi na sana’y hindi na lamang nito sinubukan pang ipakita ang kanyang pandidiri sa nasabing pagkain.
“Umarte na naaayon sa Ganda,” sabi ni netizen Mama Kenshie.
“Dapat nag mask sya habang kinakain nya yung pagkain para medyo ok mag inarte,” wika naman ni netizen Jun-Ard.
Ngunit may ilan din naman na ipinagtanggol ang influencer dahil hindi naman talaga lahat ng tao ay kumakain ng paa ng manok.
“The standard sa pinoy pag maganda mag inarte ok lang!..like hello even if di xa maganda can u hear her?!..shes speaks with class,” komento ni netizen Helen.
“We all have that food we hate na Hindi kaya Ng sikmura nating kainin Hindi Naman Kasi lahat Ng tao eh pare-pareho Ang taste for example Yung gusto mong pagkain eh ayaw Ng iba ganun lang yon bat umabot pa sa pag bubully sa appearance Niya? Hindi naman sa nilalabanan siya Kasi may Mali din Naman siya dun sa part na nag Sabi siya Ng eeww but it’s not an excuse para mag Sabi kayo Ng mga masasamang salita tungkol sa Mukha Niya the main topic here is the food Hindi Yung Mukha GROW UP PEOPLE!!!!!” pahayag naman ni netizen Kate.