Mark Leviste, duda ng mga netizen na ‘mystery man’ ni Kris Aquino: “Distance is just a test to see how far love can travel”

Hindi mapigilan ng ilang netizens na kiligin matapos magbahagi ng isang misteryosong post ang telsvision host na si Kris Aquino tungkol sa isang lalaki na nagbiyahe pa ng ilang oras upang makita lamang siya.

Advertisement

Sa kanyang post nitong Pebrero 13, ibinahagi ni Kris Aquino ang kasalukuyang lagay ng kanyang kalusugan at ang ilan sa kanilang mga ginawa kasama ang pagkakaroon nila ng pansamantalang matitirhan na nakapwesto diumano sa harapan ng dagat.

Ngunit maliban doon ay may napansin ang mga netizens dahil sa pinasalamatan ni Kris ang isang lalaki na nagbiyahe pa diumano ng 14 na oras para lamang siya puntahan.’

Nagpasalamat si Kris sa determinasyon ng nasabing lalaki dahil sa nagawa pa nitong magbiyahe mula Pilipinas hanggang Amerika makita lamang siya.

“Just in time for my birthday… we are 14 hours behind 🇵🇭 time, in advance, THANK YOU because you continue to give me the best gift anybody in my situation could ask for, your prayers.” ani Kris.

“I have a wonderful support system from my 2 sons, Alvin, Rochelle, Ate Rome, old friends & new friends here in the 🇺🇸… but you need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort i am GRATEFUL…” dagdag pa niya.

Larawan mula kay @krisaquino/IG

 

Advertisement

Ilan sa mga netizens ang sinubukang  hulaan kung sino ang binabangit ni Kris sa kanyang post.

May ilan na nakadiskubre ang ilang post ni Batangas Vice Governor Mark Leviste kung saan makikita ang pagbisita niya sa Amerika upang puntahan si Kris.

Lalo pang kinutuban ang mga netizens ng lagyan ng caption ni Leviste ang kanyang post tungkol kay Kris na “Distance is just a test to see how far love can travel”.

Advertisement

Dahil dito ay marami ang nagtatanong kung may namumuo na nga bang relasyon kay Leviste at Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Leviste. Mark Leviste. (@markleviste)

Hindi pa naman ito kinukumpirma ng dalawa.

Facebook Comments Box