Hindi maitago ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagka-insulto sa ginawang panunutok ng military grade laser ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard.
Nangyari ang insidente sa gitna ng pagsasagawa ng resupply mission ng PCG sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.
Ayon sa ulat ng PCG ay may ilang miyembro nila ang pansamantalang nabulag dahil sa sobrang liwanag ng laser na itinutok sa kanilang barko.
Malinaw diumanong paglabag sa soberanya ng Pilipinas ang ginawa ng mga intsik sa mga miyembro ng Coast Guard.
“The deliberate blocking of the Philippine government ships to deliver food and supplies to our military personnel on board the BRP SIERRA MADRE is a blatant disregard for, and a clear violation of, Philippine sovereign rights in this part of the West Philippine Sea.” ayon sa PCG.
Hindi naman diumano sila masisindak sa ginagawa ng Chinese Coast Guard sa kanila.
“Regardless of this challenging situation, the PCG remains steadfast in protecting the sovereignty and rights of the country and Filipinos in the West Philippine Sea.” sabi pa nila.
Samantala ay naglabas naman ng pahayag ang Chinese foreign ministry spokesman Wang Wenbin at inakusahan ang Pilipinas na diumano’y lumabag sa soberanya ng China.
“We hope the Philippine side will respect China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea and avoid taking any actions that may exacerbate disputes and complicate the situation,” sabi ni Wenbin.