Motovlogger na si Omar Centino, ipinagmalaki ang kanyang boyfriend na German national sa kanyang mga fans

Isang Filipino content creator ang ipinagmalaki sa kanyang mga fans ang kanyang nobyo na isang German national.

Sa kanyang social media page, ibinahagi ni Omar Centino ang istorya nila ng kanyang boyfriend na si Mike na mula pa sa ibang bansa.

Ayon sa kanya ay nag-umpisa lamang sa online ang kanilang pag-uusap at hindi nito mapigilan na kiligin lalo na’t hindi maikakaila na mayroong itsura ang nasabing German national.

Sa ngayon ay nasa 22 na buwan na silang magkarelasyon at tila hindi parin humuhupa ang tamis ng kanilang pagmamahalan lalo na’t magkasama na ang dalawa sa iisang bubong.

Makikita sa isang video ang pagdiriwang nila Omar at Mike ng kanilang monthsary kung saan ay binigyan pa ng motovlogger ang kanyang boyfriend ng isang regalo.

Hindi naman mapigilan ng ilang netizens na mapa ‘sana all’ dahil sa banyaga ba ang nabingwit ng nasabing vlogger.

“Enjoy every moment of your relationship and always be happy thats what’s counts ,love is a gift from God,” wika ni netizen Marilyn Peden.

“Mukhang pareho kayong mabait, yan ang true love Sana maging masaya kayo habang buhay,” komento ni netizen Manayang Lyn.

“Abot kmay mo n ang pangarap mong magandang buhay… Stay strong lng at klangan ng malakas na resestinsiya sa bawat laban ng iyong buhay…” sabi naman ni netizen Antonio Santillan.

Facebook Comments Box