Guro himas rehas ng hanggang anim na taon dahil sa pagpapakain ng basura sa estudyante

Isang guro ang maaring maghimas ng rehas ng hanggang anim na taon matapos pagtibayan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang naging desisyon ng mababang korte laban sa kanya.

Advertisement

Sa nasabing desisyon, sinabi ng Korte Suprema na lumabag sa Republic Act 7610 ang guro na si Melany B. Garin dahil sa pagpapakain nito ng basura sa kanyang mga estudyante bilang paraan ng pagdidisiplina nito dahil sa makalat nilang classroom noong 2006.

Maliban pa dito ay pinagbabayad pa ng libo libong piso si Garin para sa kanyang mga biktima.

Ayon sa desisyon ay kailangang magbayad ni Garin ng P20,000 para sa moral damages, P20,000 para sa exemplary damages, P20,000 para sa temperate damages, at P15,000 naman para sa multa.

Naniniwala ang korte na ang ginawa ni Garin sa kanyang mga estudyante ay maaring makaapekto sa kanilang pag-iisip at kalusugan.

Ilan kasi sa mga ipinakin sa mga estudyante ay ang pinagtasahan ng lapis na maaring makalason.

Advertisement

“On this score, petitioner’s act of forcing the victim, AAA, and his classmates to place in their mouths pieces of trash, consisting of scraps of paper, pencil shaving, dirt, and candy wrappers from the classroom’s dustpan, undoubtedly debased, degraded and demeaned their intrinsic worth and dignity as children.” ayon sa Korte.

Ikinatuwa naman ng mga netizen ang naging desisyon ng korte lalo na’t hindi maituturing na pagdidisiplina ang ginawa ng uro.

Advertisement

“Hindi mo pwedeng sabihin na dinidisiplina mo ang mga bata kya ipapakain mo yung basura sa kanila! Maraming paraan ang pagdidisiplina kung nasa tama lang ang pag iisip mo.. Susme!” sabi ni netizen Twinkle Balvodi.

“Naku po kulang yata ang pataw sa titser na anim na taon, ay kung namatay yung bata, masakit para sa magulang na mawalan ng anak, habang buhay nilang iisipin yun, habang buhay dapat ipataw sa guro ng malasap nya ang disiplina sa sarili nya,” komento naman ni netizen Larjo Cadiente

Facebook Comments Box