Nababahala ang ilang netizen matapos kumalat ang ilang larawan na nagpapakita na tila tinatangay na ng dagat ang mga artificial white sand na inilagay sa Manila Bay.
Ang artificial white sand na itinambak sa Manila Bay sa ilalim ng proyekto ng Department of Environment and National Resources ay gawa sa dinurog na dolomite.
Sa isang Facebook post, ipinakita ng page na Madam Aguida & Sarkastiko Tasyo ang mga litrato na kuha diumano sa Manila Bay.
Umabot ng libo libong reaksyon at shares ang mga nasabing litrato at umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.
May ilang nag alala at may ilan namang natuwa dahil sa tila ay tama sila sa kanilang kutob sa kahihinatnan ng mga itinambak na white sand.
Maalala na sinabi na ng DENR na hindi nila hahayaang tangayin ng dagat ang artificial white sand.
“We will do our best na talagang gawing effective lahat yan and at the same time i-reinforce pa yan,” ani DENR Undersecretary Benny Antiporda.
Ayon sa kanya ay maglalagay sila ng mga “geotextile tubes” upang maprotektahan ang white sand sa posibleng pagkatangay nito.
Ngunit umamin siya na maari paring maapektuhan ang white sand project kung sakaling may dumating na kalamidad katulad ng bagyo.