Ogie Diaz balak kasuhan ang empleyado ng isang telecom company na gustong ipa-gah*sa si Liza Soberano

Nagbabalak ng magsampa ng kaso ang kampo ni Ogie Diaz laban sa isang empleyado ng isang kilalang telecommunication company dahil sa isang komento nito sa isa sa kanyang mga talent na si Liza Soberano.

Advertisement

Sa isang pahayag ay sinabi ni Diaz na may kausap na silang mga abogado upang malaman kung anong maari nilang gawing aksyon laban sa nasabing netizen.

“Pinag-uusapan na namin ng lawyer niya. Meron kaming law firm na inatasan namin na to look into this matter kung anong legal na action ang pwede naming gawin,” ani Diaz.

Matatandaan na naging viral si Soberano sa social media matapos niyang magpalit ng internet provider.

Hati ang reaksyon ng mga netizen sa mga tweet ni Soberano, at hindi lahat ay nagustuhan ang kanyang desisyon.

Isa si Melissa Olaes sa mga netizen na nagbigay ng komento tungkol kay Soberano at hindi lahat ay nagustuhan ang kanyang sinabi dahil tila parang gusto nitong may mangyaring masama sa kapamilya star.

“Wala tayong magagawa, wala ng trabaho kaya di bale ng masira ang image magkapera lang. Sarap ipa-r*pe sa mga….. ewan!” ani Olaes.

Advertisement

Kalaunan ay nadiskubre na si Olaes ay isa sa mga empleyado ng dating internet provider ni Soberano.

Humingi naman ng tawad ang nasabing netizen sa kanyang mga nagawa.

“Nauunawaan ko po kayong lahat… hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang R*PE. Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-isipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya – random thought sa isang pribadong usapan. Ang salitang R*PE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact. Naging insensitive ako at nawalan ng tamang judgment. Dahil dito, ako ay humihingi ako ng pauanhin sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko,” ani Olaes.

Advertisement

“Ang akin pong kumpanya, ay walang kinalaman sa aking facebook activities dahil ito po ay personal kong pag-aari. Ipinaparating ko rin ang aking paghingi ng paumanhin sa aking kumpanya dahil sa naging epekto nito sa kanilang imahe,” dagdag pa niya.

Kahit na nagbigay na ito ng public apology ay tuloy parin sila Diaz sa pag konsulta sa kanilang mga abogado upang mabigyan ng hustisya ang aktres.

Facebook Comments Box