Blogger binanatan si ACT-CIS Rep. Eric Yap matapos siya nitong tawagin na mukhang virus

Isang blogger ang binanatan si ACT-CIS party-list Representative Eric Yap matapos diumano siyang tawagin ng mambabatas na mukhang virus.

Advertisement

Sa isang post ay binanatan ng may ari ng Pinoy Ako Blog na si Jover Laurio si Yap dahil sa panglalait na ginawa nito sa kanya matapos nitong punahin ang isang building na ipinangalan sa mambabatas.

Ayon kay Laurio ay dapat magpasalamat pa nga si Yap sa kanya.

“Una ang isyu, bawal kasi ang epal sa mga elected officials na gaya mo. It’s in the law po,” ani Laurio.

Kahit pa sabihin mo ako na kamukha ng virus, wala naman sa isyu yun, ang importante ngayon pinaalis mo ang pangalan mo sa building na yan, kasi yun ang tamang gawin,” dagdag pa niya.

“Instead na laitin mo ako, dapat nga nagpasalamat ka kasi , when I called you out it led you to decide to do the right thing,”

Matatandaan na noong budget hearing ng Office of the President ay direktang binanatan ni Yap si Laurio dahil sa pagpapakalat diumano nito ng maling impormasyon tungkol sa “Eric Yap Building”.

Itinayo ang nasabing building sa Benguet General Hospital at sinabi ni Yap na sariling pera niya ang ginamit sa pagpapatayo nito.

Ayon sa kanya ay kung nagkatawang tao daw ang sakit na kumakalat sa bansa ngayon ay magiging kamukha ito ni Laurio.

Advertisement

“Ngayon po, ang akin lang po, para kay Jover [Laurio], nakita ko po ‘yong page niya eh. Lahat na lang po puro galit, puro maling impormasyon. Iisa lang po ang tama sa impormasyong pinost ‘nya, kung saan mayrooon doon na mukha niya na pinapakita niya ano po ang itsura ng C0VID kung ito ay magiging tao,”  saad ni Yap.

Kilala si Laurio bilang kritiko ni Pangulong Duterte at minsan ay napapasobra pa nga ito sa kanyang mga banat.

Maalala na natalo din si Laurio sa libel case na inihain niya laban sa isa pang blogger na tumawag sa kanyang “Ogre Lady”.

Advertisement

 

 

 

Facebook Comments Box