Binanatan muli ni Buhay-partylist Representative Lito Atienza ang proyekto ng Department of Environment and National Resources (DENR) kung saan ay naglalagay sila ng artificial white sand sa Manila Bay.
Sa isang panayam ay tinawag na pag aaksaya ng pera at walang kwenta ni Atienza, na dati ring alkalde ng Maynila at Environment secretary ang nasabing proyekto ng DENR.
“A complete waste of public funds on a worthless project,” ani Atienza.
Ayon sa kanya ay isang malakas na bagyo lang daw ang kinakailangan upang maalis ang mga white sand na inilagay ng DENR.
Gawa ang mga nasabing white sa dinurog na dolomite na galing pa sa probinsiya ng Cebu.
Naniniwala siya na kahit ano pang paglalagay ng white sand sa Manila Bay ay hindi nito mababago ang maduming tubig ng nasabing dagat.
“No amount of pretentious face-lifting can change the fact that Manila Bay’s marine and coastal ecosystems are practically dead – because its waters have been overwhelmed by fecal coliform,” saad ni Atienza.
“Anybody who swims in the bay’s heavily contaminated waters risks exposure to waterborne pathogenic diseases, including viral and bacterial gastroenteritis, hepatitis A, dysentery, typhoid fever and all sorts of infections,” dagdag pa niya.
Sinabi niya pa na kung ang dalawang supplier ng tubig sa Maynila ay hindi pagaganahin ang kanilang mga wastewater treatment facilities ay wala ring mangyayari sa proyekto ng DENR.
Ayon naman sa DENR ay hindi basta basta matatangay ng dagat ang mga nasabing white sand dahil may gagawin silang “engineering intervention” katulad ng geotube na ilalagay upang maprotektahan ang mga buhangin sa pagtaas ng tubig o bagyo.
Nilinaw din ng DENR na hindi P389-M ang ginastos ng gobyerno para sa paglalagay ng white sand kundi P28-M lamang.
“That already covers the price of dolomite sand, transportation cost, taxes, and other fees. That’s the package of the cost including delivery from Cebu to Manila Bay. It’s not 389 million but 28 million,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
Mismong ang kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ay pinagtanggol din ang nasabing proyekto.
“It’s just that your attention or some other individuals’ attention was called when it is white sand. But what if is black sand?” saad ni Moreno.