Pulis na itinampok ang love story sa KMJS, nagsalita na: “Kilala niyo ba talaga ako? Kasi hindi ko kayo kilala”

11304

Nagsalita na ang miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) na naitampok ang love story sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) matapos itong akusahan ng mga netizen ng pagiging babaero.

Sa isang Facebook post, binanatan ni Patrolman Joebert Lacea ang mga netizen na nagpakalat ng isyu tungkol sa kanya.

Umabot pa daw sa punto na hindi siya makatulog kahit na pinipilit niyang hindi maapektuhan ng mga pinagsasabi ng ilan tungkol sa kanyang mga nakaraang relasyon.

Ipinaliwanag niya na hindi niya pinagsasabay ang mga babae na kanyang nakilala at hindi niya rin niloko ang kanyang dating nobya na nakarelasyon niya ng anim na taon.

Matatandaan na inalabas ng ilang Facebook fanpage ang mga litrato ni Lacea kasama na ang mga babae na na isyu sa kanya.

Ipinaliwanag niya na rin na ang isa pang babae na ini-isyu sa kanya ay hindi niya nakarelasyon kundi naka “mutual understanding” lang daw.

Kinumpirma naman ito ng babae na nakilala bilang Angelyn Villanueva at sinabing hindi sila naging mag on ng nasabing pulis.

“1st is about sa ex ko na two time daw? Nag trending kame nung April na akala ng lahat masaya pa kami non. But on May 4, break na kame. She is n her new relationship last June 3 (I think?) and mine is June 30, so paano naging two time yun?” ani Lacea.

“Second is about sa “MyLoves” from Bohol.. Yes, nagka MU kame dati. Pero hindi po naging kame. I just pray na makakita din siya ng guy na maka KMJS niya,” dagdag pa niya.

Itinangi niya na may nakilala siyang babae noong Hulyo.

Sinabi niya naman na hindi niya kasalanan kung magmahal muli siya ng isang babae.

Hinimok niya rin ang mga tao na tantanan na siya lalo na kung hindi naman nila alam ang buong istorya.

“Kilala nyo ba talaga ako? Kasi kayo hindi ko din kilala, so stop the hate, memes and making fun of someones life just to add fuel to fire. I also have my family to protect,” saad ni Lacea.

“Our happiness will not be defended by your opinion,” dagdag pa niya.

 

Facebook Comments