Marlene Aguilar claims that Duterte is already gone and the current President is a ‘reptilian alien impostor’

16610

Matapos ibahagi ng legendary OPM artist na si Jim Paredes ang isang teorya tungkol sa ‘double’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, bumalik nanaman sa mga netizen ang kakaibang istorya noon ni Marlene Aguilar tungkol sa punong ehekutibo.

Maalala noong Disyembre 2017 ay ibinahagi ni Marlene, na kapatid ng isa pang nirerespeto na mang aawit na si Freddie Aguilar ang kagulat gulat na rebelasyon na diumano’y nakuha niya pa mismo sa Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika.

Ayon sa kanyang post ay nakausap niya daw ang isang taga CIA at sinabing ang “totoong” Pangulo daw ay nagtatago sa isang isla at nasa malala ng kalagayan dahil daw sa cancer.

Noong isang buwan pa daw niya nakausap ang taga CIA kaya’t naniniwala itong pumanaw na ng tuluyan si Duterte.

Marami din daw diumano ang nakakita na may kakaiba kay Pangulong Duterte sa mga malaking pagtitipon na kanyang dinaluhan.

“Many people who saw Duterte during the SONA and who also saw him during the Asian [ASEAN] SUMMIT say that there is a big difference between the 2 men. Duterte during his last SONA had a hard time speaking and walked slow. And he appeared to be weak. But the Duterte in the Asian SUMMIT looks younger and he did not any of these health problems I mentioned earlier,” ani Aguilar.

Sinabi pa ni Aguilar na maaring ang Duterte na nakikita ng mga tao ay hindi na ang Pangulo kundi isa ng ‘reptoid alien’ o yung mga nilalang na galing planeta na kayang magpalit ng anyo at gayahin ang kahit sino.

“According to reptoid aliens Dolly Escarrion and I are in contact with, the Duterte you see now is an reptoid alien in disguise. These reptoids can copy and human shape and form they want,” saad ni Aguilar.

“When my asset Trax told PNP Bato [Dela Rosa] that the current Duterte is a reptoid imposter, he responded, “Kaya pala may kakaiba sa kanya,” dagdag pa niya.

Hindi naman sumagot si Dela Rosa na ngayo’y isa ng Senador kung totoo nga bang may nakita siyang kakaiba kay Pangulong Duterte noon.

Nadamay din sa kwento ni Aguilar sila Department of Transporation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at Al David Uy.

Dapat diumano’y patunayan ni Duterte na hindi siya isang alien ngunit wala namang sinabi ni Aguilar kung paano ito mapapatunayan ng Pangulo.

“I BELIEVE DUTERTE IS DEAD. I BELIEVE THE CURRENT DUTERTE IS AN IMPOSTOR! So I challenge the president to step forward and clear my allegations immediately, She Dragon 696,” ani Aguilar.

Samantala, si Paredes naman ay nagbahagi ng ilang tweet na nagpapakita na tila may kakaiba sa kasalukuyang Pangulong Duterte.

Sa isang tweet na ngayo’y burado na ay ipinakita pa ni Paredes ang mga posibleng “double” ni Pangulong Duterte upang makapagtago ito sa publiko.

Ngunit agad naman itong itinama ng isa sa mga anak ng inaakusahan ni Paredes.

Facebook Comments