Vice Ganda, nadamay sa mga banat ni Willie Revillame kay Ogie Diaz: “Ano ba nagawa niyan sa ating mga kababayan!”

Tila nadamay na ang komedyante na si Vice Ganda sa mga banat ni Willie Revillame laban sa talent manager na si Ogie Diaz.

Sa kanyang mga pahayag, sinabi ng kilalang television host na mayroong inilapit si Diaz na isang talent niya noon kay Revillame na sikat na sikat ngayon sa social media.

At dahil sa malakas si Diaz kay Revillame ay pumayag ang kilalang television host na lumabas sa kanyang programa noon sa ABS-CBN na Wowowee ang komedyante.

“During Wowowee days, nilalapit niya sa akin ang isang talent niya na tulungan, sa backstage. ‘May concert sa Laffline, tulungan mo.’ Palalabasin ko siya. Ngayon ho sikat na sikat na siya sa isang noontime show.” ani Revillame.

“Ilang beses siya nasa likod ng Wowowee para mag-promote. Hawak niya dati ‘yon, nawala rin sa kanya ‘yon. Siya ba paniniwalaan niyo o ako? Ano ba nagawa niyan sa ating mga kababayan? Nagpunta ba yan sa mga bagyo?” dagdag pa niya.

Agad namang nahulaan ng mga netizens na si Vice ang binabanggit ni Revillame dahil lumabas ang komedyante sa show ng host na Wowowee noong 2009.

Maliban pa kay Vice ay marami naring mga artista ang sumikat dahil sa tulong ng mga show ni Revillame.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Vice na ngayon ay halos maipapantay na ang kasikatan kay Revillame.

 

Facebook Comments Box