Awat na! Cassy Legaspi, inawat ng mga netizens matapos mag-post ng mga ala-ala nila ni Darren Espanto

Hindi mapigilan ng mga netizens na awatin ang Kapuso host na si Cassy Legaspi matapos nitong mag-post ng iba’t ibang videos nila ni Darren Espanto.

Sa loob lamang ng 24 oras ay nagbahagi si Cassy ng mahigit siyam na video nila ni Darren sa kanyang Facebook page na agad namang napansin ng mga netizens.

Ayon sa mga netizens ay tila halata na mayroong gustong ipahiwatig si Cassy kaya naman patuloy itong nagbabahagi ng mga ala-ala nila ni Darren.

“Ano bang purpose ng mga video mo? Halos lahat ng post mo about kay darren eh sya nga dika mina my day eh wla nmn plang kayo tas panay post ka ng ganyan haha,” ani netizen John.

“Value yourself first and stop posting pics of someone who’s denying the real score to the whole world; might as well save your self-esteem and find someone who’s worth it,” sabi naman ni netizen Eleanor.

“Wag ng ipilit nag mumukha kang despirada bumalik sau mga mahanghang na salita ng modra mo about don sa ex ng kambal mo iksw nagbabayad sa karma ng nanay mo,” wika naman ni netizen Moye.

Matatandaan na pinag-usapan sa social media ang pagtanggi ni Darren sa kanilang relasyon ni Cassy at nilinaw nito na matalik lamang silang magkaibigan.

Ngunit marami ang naniniwala na may mas malalim pang relasyon ang dalawa.

 

Facebook Comments Box