Programa ni Jessica Soho, dedma sa pagdating ng It’s Showtime sa GMA Network

Tila hindi pinansin ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang paglipat ng It’s Showtime sa GMA Network.

Sa huling episode ng KMJS noong Abril 7, 2024, ay agad na napansin ng mga netizens na hindi itinampok ng nasabing programa ang paglipat ng nasabing noontime show sa Kapuso Network.

Advertisement

Ayon sa ilang netizen ay imposibleng hindi napansin ng KMJS team ang makasaysayang pagsasanib pwersa ng GMA at ABS-CBN, kaya naman napapatanong sila kung may kinalaman parin ba ito sa isyu noon ni Vice Ganda at Jessica Soho.

“Bakit parang hindi ata na-feature ng KMJS yung historic crossover ng showtime sa GMA? Galit parin si Jessica Soho kay Vice ganda at hanggang ngayon di maka-move on,” ani ng isang netizen.

Matatandaan na matindi ang naging alitan noon sa pagitan ni Vice at ni Soho na nag-umpisa matapos magbiro ang komedyante tungkol sa premyadong mamamahayag sa kanyang konsiyerto noong 2013.

Advertisement

Sa kanilang paglipat noon sa GTV noong 2023, tila nagpahiwatig narin noon si Vice ng kanyang kagustuhan na lumabas sa KMJS.

Advertisement

“Napag-usapan namin ni Tita Cory (Vidanes), kasi siyempre magpu-promote. Sabi ko, meron lang akong request, since maggi-guest tayo sa ibang GMA shows, puwede ko bang i-request na mag-guest ako sa programang ito. Gusto ko lang lumabas sa programang ito, kung uubra lang.” Vice aniya.

Naiulat na nagkita ang dalawa sa GMA Network Gala noong nakaraang taon ngunit hindi umano nagpansinan ang dalawa.

Facebook Comments Box