May-ari ng private resort na sinira ng isang grupo, ginagamit niya sa chemotherapy ang kinikita ng kanilang negosyo.

Hindi maitago ng isa sa mga may-ari ng pribadong resort na winasak ng isang grupo ng mga empleyado ang panlulumo dahil sa maaring magastos nila upang mapalitan ang mga gamit na pinaghahagis ng kanilang mga guest.

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni alyas ‘Lani’ na imbis na gagamitin niya na lamang para sa kanyang pagpapa-chemotherapy ang kinikita ng kanilang resort ay mapipilitan pa siyang gastusin ito para maipagawa ang nasira ng nasabing grupo.

“Imbis na magpapagamot ko, ipang-aayos ‘ko pa ng resort,” ani Lani.

Ayon naman sa isa pang may-ari ng resort ay nagbayad ng P30,000 ang grupong nanira ng kanilang mga gamit kapalit ng kapatawaran nila at pangakong hindi na sila sasampahan ng reklamo.

Pumayag naman ang may-ari ng resort at pinatawad na lamang ang mga ito imbis na magsampa pa ng demanda.

Umaasa naman ang may-ari ng resort na maglalabas ng public apology ang grupo upang ibahagi ang pagsisisi sa kanilang ginawang kasalanan.

Facebook Comments Box