Claudine Barretto, pinasalamatan si Sabrina M. sa pagsasabi ng katotohanan: “Thank you for standing up for Rico’s name”

Ibinahagi ni Claudine Barretto ang pagkakaroon niya ng bagong kaibigan sa gitna ng isyu na kinakasangkutan ngayon ni Sabrina M.

Matatandaan na ikinuwento ni Sabrina sa mga miyembro ng media ang diumano’y relasyon niya noon sa namayapang aktor na si Rico Yan.

Si Rico ay dating karelasyon ni Claudine at ang alam ng publiko ay sila lamang ang nagkaroon ng relasyon.

Kaya naman maraming showbiz reporter at fans ang pumalag sa naging kwento ni Sabrina at kinuwestiyon kung may katotohanan nga ba ang mga istorya na ibinahagi ng aktres.

Sa isang panayam naman ni Cristy Fermin ay inilaglag si Sabrina ng kanyang malapit na kaibigan na si Katrina Paula.

Ayon kay Katrina ay walang katotohanan ang kwento ni Sabrina at maaring gumagawa lamang ito ng istorya para sumikat muli.

“Nay, wala. Walang relasyon na naganap sa kanila. Baka nagkatikiman sila, pero yung relasyon, hindi ko alam kung saan nanggaling.” ani Katrina.

Hindi naman maitago ni Claudine ang kagalakan dahil sa pagsasabi ng totoo ni Katrina.

“Appreciation post. I want to thank @realkatrinapaula for telling the TRUTH! Divine intervention gina ni God at Rico. I really found a new friend/sister. Thank you so much in behalf ng #rycbforever .im happy that this is a start of a new friendship & sisterhood sobra sobrang SALAMAT!” ani Claudine.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)

Hindi pa kinukumpirma ni Claudine kung magsasampa ba talaga siya ng demanda laban kay Sabrina.

Facebook Comments Box