Cristy Fermin, todo ang pangigigil kay Diego Loyzaga: “Ikaw ang bukod-tanging Loyzaga na bastos”

Hindi maitago ni Cristy Fermin ang pangigigil kay Diego Loyzaga na dalawang beses na diumanong hindi sinipot ang imbitasyon para siya ay makapanayam.

Sa kanyang programa sa Cristy Ferminute ay binatikos ni Cristy ang tila pag-iwas sa kanya ni Diego na balak niya sanang tanungin tungkol sa kanyang pagiging isang ganap ng ama.

Advertisement

Ngunit nagdahilan diumano si Diego para hindi sumipot sa nasabing panayam na lubhang ikinagalit ni Cristy.

Ayon kay Cristy ay lubos silang naabala sa ginawa ni Diego.

“Hindi mo ba alam kung gaano katinding abala ang ginawa mo sa amin kahapon? Paano kung wala pala kami nakahandang materyales dahil inilaan namin sa’yo ang panahon. Paano kung kami pala ay mangangarag? Bigla kang umalis. Makalawang beses mo na yang ginawa sa amin, Diego Loyzaga.” ani Cristy.

Advertisement

Sinabi pa ng kolumnista na tanging si Diego lamang ang miyembro ng pamilya Loyzaga na gumawa sa kanya nito.

“Diego wala ka pa sa posisyon na pupuwede mong gawin ang ganyan. Ang pamilya mo ay mahal ko. Ang nanay mo ay mahal ko. Kahit minsan sinuman sa pamilya Loyzaga, wala akong kinakitaan ng kabastusan. Ikaw ang bukod-tanging Loyzaga na bastos. At iyan ay kaya kong panindigan kahit saan tayo makarating. Dalawang beses mo nang ginawa yan, hindi na yan mauulit Diego Loyzaga.” sabi pa niya.

Advertisement

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Diego sa naging banat sa kanya ni Cristy.

Facebook Comments Box