Joey de Leon becomes emotional while narrating how one of their major sponsors checked on them after leaving Eat Bulaga

Sa pambihirang pagkakataon ay nakita ng publiko ang pagiging emosyonal ng isa sa mga orihinal na host ng Eat Bulaga na si Joey de Leon.

Sa panayam sa kanya ng News5, sinabi ni De Leon na naging emosyonal siya sa ikalawang araw ng pag-alis nila sa Eat Bulaga at TAPE Inc. matapos silang kamustahin ng isa sa kanilang mga major sponsors, ang grocery chain na Puregold.

Ayon kay De Leon ay nahiya siya sa may-ari ng kumpanya na si Susan Co dahil sa nag-advance diumano ito ng malaki para sa sponsorship ng Eat Bulaga, ngunit ngayon ay wala na sila sa nasabing programa.

Ngunit sinabi diumano sa kanila ng negosyante na hindi nila iniisip ang pera na nailagay nila sa Eat Bulaga.

“Kayo okay ba kayo? ako naman bumaliktad (ng tanong) kasi nabalitaan ko parang nag-advance na sila ng malaking… hindi ako marunong sa sales e three years na ata ang in-advance sa show namin. Biglang kinat ako, sabi niya nagalit e,” ani Joey.

“Sabi niya ‘no!’ hindi importante sa’min ‘yun. Bahala kami sa ginagawa namin, ang gusto namin malaman kung okay kayo. Umiyak ako nu’n,” dagdag pa niya.

Inaasahan naman na magiging isa sa mga major sponsors ng bagong show ng mga Dabarkads ang Puregold.

Matatandaan na nag-desisyon ni Joey, kasama na ang ilan pang mga nag-resign na host ng Eat Bulaga na lumipat sa nasabing TV5.

Facebook Comments Box