Coco Martin, inamin na inumpisahan bolahin si Julia Montes noong 13 anyos pa lamang ang aktres: “Na-reject ako”

Tumaas ang balahibo ng ilang netizens matapos lumabas ang isang ulat kung saan ay inamin ni Coco Martin na 12 na tayon na silang magkarelasyon ng aktres na si Julia Montes.

Sa isang pahayag nitong May 23, kinumpirma ni Coco na mayroon nga silang relasyon ni Julia matapos ang ilang taong espekulasyon mula sa mga showbiz reporters.

“Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati. Mas masarap ‘yung pakiramdam na pribado ang buhay namin, tahimik. Walang mga issue. Ito, masaya kami.” ani Martin.

 

Julia Montes noong siya ay 16 anyos pa lamang kasama si Kathryn Bernardo.

 

Ngunit habang ang ilan ay kinikilig, may ilang netizens naman ang kinilabutan matapos bilangin ang edad nila Coco at Julia.

Si Coco kasi ay kasalukuyang 41 anyos na habang si Julia ay 28 pa lamang at ilang netizens ang sinabi na kung 12 na taon silang nagsasama ay maaring 16 anyos pa lamang si Julia noong nag-umpisa ang kanyang relasyon sa FPJ’s Batang Quiapo main star.

Lalo pang tumaas ang kilay ng ilang netizens matapos kumalat ang isang panayam kung saan inamin ni Coco na 13 anyos pa lamang si Julia ay interesado na siya sa aktres.

“Ano pa siya, noon, bagets. Mga 14,” ani Coco.

Itinama naman ito ni Julia at sinabi na 13 pa lamang siya ng makilala si Coco.

“13 to 14, nagtangka ako sa kanya. Nagtangkang magbola. Na-reject ako,” aniya.

Hindi naman mapigilan ng ilang netizens na batikusin ang aktor.

“While this is okay with many, it’s not. Imagine, 29 being interested in 13 or 16 which is still in adolescence. Good luck to the generation today,” netizen Kate said.

Facebook Comments Box