Kakampink power couple na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache, napabalitang hiwalay na

Posible diumanong hiwalay na ang ‘Kakampink’ power couple na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Sa programa ni Cristy Fermin, kasama si Rommel Chika at Wendell Alvarez, tinalakay nila kung mayroon nga bang katotohanan na hiwalay na ang dalawang artista na matatandaang sumikat sa social media dahil sa pagsuporta nila sa isang natalong kandidato.

Sinabi ng mga host na tila napakabilis ng mga pangyayari sa naging relasyon ni Edu at Cherrypie kaya hindi maiwasan na kwestiyonin ng mga netizens kung may katotohanan nga ba ang kanilang pag-iibigan.

Ayon kay Wendell ay hiwalay na diumano ang dalawa at ayaw na diumano ni Edu na magkaroon pa ng asawa.

Sinabi rin ni Wendell na hindi talaga siya naniniwala na nagkaroon ng relasyon si Edu at Cherry Pie dahil sa kanilang mga galaw.

Naniniwala si Wendell na maaring nagpanggap lamang ang dalawa na sila ay may relasyon upang pakiligin ang mga ‘Kakampink’.

“Ako unang tingin ko palang gimik lang ito, hindi totoo to,” ani Wendell.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Edu at Cherry Pie sa mga balita tungkol sa posible nilang hiwalayan.

Noong nakaraang Marso ay naglabas na rin ng pahayag si Edu na ang dahilan ng hindi nila masyadong pagsasama ni Cherry Pie ay dahil sa abala sila parehas sa kanilang mga proyekto.

“Sixty seven na ako. What kind of relationship do you want? But you cannot deny the fact na matagal ko na siyang kaibigan for the past forty years, so we’re good friends.” sabi ni Edu sa pahayag ng Pep.ph

Facebook Comments Box