Cristy Fermin, sinabing si ‘Mommy Divine’ ang halimbawa ng magulang na kayang tiisin ang anak: “Wala pa rin yung pagtanggap”

Naniniwala ang beteranong kolumnista na si Cristy Fermin na hindi totoo ang kasabihan na ang ‘magulang ay hindi kayang tiisin ang anak’.

Sa kanyang online program na ‘Showbiz Now Na!’ nitong Mayo 16, 2023, pinag-usapan nila Cristy at kanyang mga co-host na sila Rommel Chika at Wendell Alvarez ang sitwasyon sa pagitan ni Sarah Geronimo at ng kanyang ina na si Mommy Divine.

Matatandaan na hanggang ngayon ay hindi parin nagkikita si Sarah at Divine simula ng ikasal ang singer sa kanyang kasalukuyang asawa na si Matteo Guidicelli.

Noon pa lamang ay marami ng fans ni Sarah ang hindi pabor sa napapabalitang trato ni Divine sa kanyang anak.

Naniniwala sila na ang pagiging mahigpit ni Divine ang naging dahilan kung bakit hindi kaagad nagkaroon ng pamilya si Sarah.

Sa kasalukuyan ay patuloy parin na binabati ni Sarah ang kanyang ina sa mga concert at mga social media post, ngunit hindi nagbibigay ng tugon si Mommy Divine dito.

Kaya naman sinabi ni Nay Cristy na kaya talagang tiisin ni Divine ang kanyang anak.

“Meron ngang nagtext sa’kin na ang anak ay kayang tiisin ang magulang. Pero walang magulang na makatitiis sa kanyang anak. Sis meron, si Mommy Divine.” ani Cristy.

“Alam mo kung anong tawag nila kay Mommy Divine? Divine No Mercy. Hindi natin mapipigilang magsalita ng gano’n ang mga kababayan natin dahil napakatagal na. Wala pa rin yung pagtanggap. Wala pa rin yung pagbibigay ng karapatan sa kanyang anak na sabi nga ni Sarah untill gumawa sila ng desisyon.”  dagdag pa niya.

Facebook Comments Box